Latest News and Events

Pormal nang lumagda sa isang MOA ang Jacobo Z. Gonzales Memorial School of Arts and Trades (JZGMSAT) at TRIMEX Colleges, Inc. para sa pagtatatag ng cooperative library linkage na magpapahintulot sa shared access sa mga educational resources at pasilidad.

Sa mensahe ni RD Engr. Jovencio M. Ferrer, Jr., kanyang binigyang-diin na sa pagtutulungan ng dalawang institusyon, nabubuo ang isang kapaligiran ng pagkatuto kung saan bawat mag-aaral ay may pagkakataong lumago at matuto—anuman ang kanilang kakulangan sa materyales o pasilidad.

Lumagda sa isang MOA ang TESDA Region IV-A (CALABARZON) kasama ang DMW, LGU Sta. Rosa, OWWA, at DOLE para sa mas pinatibay na serbisyo sa ating mga OFWs at kanilang pamilya.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni RD Engr. Jovencio M. Ferrer, Jr. na ihahatid ng TESDA ang kinakailangang pagsasanay—maging sa mga komunidad o online—upang maiwasan ang skills mismatch at mapaunlad ang kabuhayan ng bawat Pilipino.

Basahin ang buong artikulo: https://www.facebook.com/share/p/1MqTTzYRWG/

 

Sa pangunguna ng Regional Development Council (RDC) Region IV-A sa pamamagitan ng Sub-Committee on Culture (SCC), matagumpay na isinagawa ang 2nd Semester 2025 SCC Meeting at Exhibit Opening noong Oktubre 2, 2025 sa Cavite State University (CvSU) Museum, Indang Campus, katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at CvSU bilang host institution.