“Lab for All Program: TESDA IV-A at Partners Naghatid ng Serbisyong Pangkalusugan at Pangkabuhayan sa Cavite”
Matagumpay na naisagawa ang Lab for All Program noong Nobyembre 4, 2025 sa Tanza Convention Center, Tanza, Cavite, na naghatid ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan sa mga Caviteño sa pamamagitan ng inisyatibo ng Office of the First Lady, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan.
Dumalo sa nasabing programa sina TESDA DDG Vidal D. Villanueva III, DDG Felizardo R. Colambo, at TESDA IV-A Regional Director Engr. Jovencio M. Ferrer, Jr., kasama ang mga kinatawan at kawani ng TESDA.
Ipinakita ng programa ang pagsasanib ng technical education at social responsibility sa pamamagitan ng iba’t ibang skills demonstrations at livelihood exhibits mula sa mga TVIs at TESDA Training Centers sa lalawigan, kabilang ang:
1. Photovoltaic (PV) Skills Demo ng PTC Rosario;
2. Hand Soap at Dishwashing Liquid Making ng PTC Paliparan;
3. Massage Services ng Dolorito Academy of Knowledge and Skills (DAKS) Inc.;
4. Barista Demo ng Divine Mercy International Institute; at
5. Caregiving Services ng The Goal Ventures.
Ipinamahagi rin sa mga benepisyaryo ang toolkits at Training Support Fund (TSF) para sa mga iskolar ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) at Shielded Metal Arc Welding (SMAW).
Tignan ang buong artikulo: https://www.facebook.com/share/p/1JKf7wjGAb/