TESDA Cavite Conducts Data Privacy Act and Digital Literacy Seminar
Noong ika-22 ng Setyembre 2023, nagdaos ang TESDA Cavite ng isang napakahalagang seminar na may temang "Data Privacy Act at Digital Literacy" sa pamamagitan ng Zoom Teleconference. Ang seminar na ito ay dinaluhan ng mga empleyado ng TESDA Cavite at pinangunahan ni Ms. Lourdes F. Castante, ang Chief of Information Technology Division.
Ang pangunahing layunin ng seminar ay ang magbigay kaalaman ukol sa mga etika at prinsipyong may kinalaman sa data privacy, ilahad ang mga panganib ng pagkolekta at pangangalap ng datos, at bigyang-diin ang napakahalagang papel ng kampanya para sa data privacy at masusing pagmamanman.
Tinukoy ni Ms. Castante ang iba't ibang aspeto ng Data Privacy Act at Digital Literacy. Pinagtibay niya na bilang mga kasapi ng komunidad ng TESDA, kanilang obligasyon ang pangalagaan ang mga labis na sensitibong personal na impormasyon na ipinagkakatiwala sa kanaila ng kanilang mga kliyente. Sinabi ni Ms. Castante, "Dapat nating ibigay sa ating mga kliyente ang pinakamahusay na proteksyon na maari nating ibigay.
Natutunan ng mga empleyado kung paano mag-navigate sa teknolohiya nang ligtas at responsable, na may pokus sa pagprotekta ng personal na integridad. Bukod dito, nagbigay liwanag ang seminar sa kahalagahan ng data privacy sa pagpapalaganap ng tiwala sa digital na pakikipag-ugnayan at pagsusustento sa mga pangunahing karapatan ng mga indibidwal sa isang dumaraming mundo ng datos.
Tignan ang buong kuwento sa:
https://www.facebook.com/tesdaR4A/posts/pfbid06j23sXufSQpH22a197mkn2zShg...