Binigyan ng parangal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga napiling Technical Vocational Institutions (TVIs) na nagpaangat sa kalidad ng Technical Vocational Education and Training (TVET) programs sa bansa.
Sa ginanap na 2nd National Quality TVET Forum kamakailan ay kinilala ng TESDA ang mga piling TVIs sa pamamagitan ng STAR rating system base na rin sa program governance and management; curriculum and program delivery; support services at program performance measures na pinagbatayan sa pagbibigay ng parangal.