TESDA IV-A (CALABARZON) Distributes Starter Toolkits During the LAB for All Program in Tagaytay, Cavite
Sa ika-15 pagkakataon, naganap ang LAB for ALL noong Oktubre 10, 2023 sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City, Cavite. Isa itong okasyon na nagbigay-daan sa pormal na pagkilala at pagkaloob ng mga toolkits, allowance, at scholarship grants sa mga mga trainees.
Ang pagkilala ay pinangunahan nina First Lady Marie Louise "Liza" Araneta Marcos, kasama ang TESDA Director General, Sec. Suharto T. Mangudadatu, Ph.D., Deputy Director General for TESD Operation, DDG Aniceto "John" Bertiz III, TESDA IV-A Regional Director Baron Jose L. Lagran, at TESDA Cavite Provincial Director Rosalinda B. Talavera.
Sa pangunguna ng First Lady, natanggap ng sampung (10) mag-aaral mula sa Far Eastern University - Cavite ang kanilang mga toolkits para sa Bread and Pastry Production NC II. Habang natanggap naman ng dalawampu't limang (25) mag-aaral mula sa Divine Mercy International Institute Inc. ang kanilang allowance para sa Barista NC II at Bread and Pastry Production NC II.
Ayon kay Sec. Mangudadatu sa kanyang mensahe, "Ang mga programang LAB for ALL ni Unang Ginang Liza Marcos ay tunay na patunay at ebidensya na ang gobyerno ay naglalakbay sa buong bansa upang masiguro na ang mga serbisyong pampamahalaan ay mararating ng mga mamamayan, at upang matugunan ang layunin ng gobyerno na sama-sama nating babangon muli tungo sa Bagong Pilipinas."
Tignan ang buong kuwento sa: https://www.facebook.com/tesdaR4A/posts/pfbid0f8XPwStzgGn3nZTSK68b9xiPJt...