Bondoc Peninsula Technological Institute (BPTI) Conducts Culminating Activity to Bread and Pastry Production NC II, Agroentrepreneurship NC II, at Driving NC II Trainees
Noong ika-12 ng Setyembre taong 2023, nagdaos ng culminating activity ang Bondoc Peninsula Technological Institute (BPTI) sa pangunguna ng kanilang Vocational School Administrator I, Ms. Yolanda T. Manlapas. Ito ay para sa mga trainees na nakatapos sa kwalipikasyon ng Bread and Pastry Production NC II, Agroentrepreneurship NCII, at Driving NC II.
Ang mga nagsipagtapos ay may kabuuang bilang na animnapu’t pitong (67) trainees. Ito ay binubuo ng dalawampu’t apat (24) mula sa kwalipikasyon ng Agroentrepreneurship NC II sa ilalim ng Rice Extension Scholarship Program (RESP), dalawampu’t apat (24) mula sa kwalipikasyon ng Bread and Pastry Production NC II sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP), at labing-siyam (19) mula sa kwalipikasyon ng Driving NC II na kung saan anim (6) sa mga ito ay kasundaluhan at ang lima (5) naman ay mga guro.
Naging tampok sa programa ang pagpapalitan ng mensahe mula sa mga trainees at trainers ng mga nasabing kwalipikasyon bilang bahagi na rin ng pagtataya sa nangyaring pagsasanay. Ang ganitong klaseng aktibidad ay nagpapatunay na hindi hadlang ang edad o estado sa buhay upang ituloy ang pagkatuto at tuparin ang mga pangarap.
Tignan ang buong kuwento sa: https://www.facebook.com/tesdaR4A/posts/pfbid02bJAKCiNB6UUkVLe6MBDWrHPGo...
- End -