TESDA IV-A (CALABARZON) Conducts Regional Lead Trainers Development Program (RLTDP) for Quality, Cost, and Delivery (QCD) Program
Sa pagtutulungan ng TESDA Region IV-A (CALABARZON), kasama ang TESDA Planning Office, National TVET Trainers Academy, at Japan International Cooperation Agency (JICA), inilulunsad ngayong araw ang Regional Lead Trainers Development Program (RLTDP) para sa Quality, Cost, Delivery (QCD) sa National TVET Trainers Academy (NTTA) sa Marikina City, Metro Manila.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pakikipag-ugnayan ng TESDA sa proyektong itinataguyod ng Department of Trade and Industry-Board of Investments (DTI-BOI) at Japan International Cooperation Agency (JICA) na may titulong "Project for Enhancement of Industrial Competitiveness through Industrial Human Resource Development (IHRD) and Supply & Value Chain Development (SVCD)."
Ang layunin ng proyektong ito ay mapabuti ang industriyal na kakayahan ng sektor ng oto sa Pilipinas. Kabilang dito ang mga hakbangin para sa supply chain development at industrial human resource development.
Sa proyektong din ito ay papalakasin ang IHRD at SVCD sa pamamagitan ng pag-develop ng mga mas mahusay na operational model para sa IHRD at SVCD sa pakikipagtulungan ng mga kumpanya/industriya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pilotong proyekto para sa IHRD at SVCD.
Sa pagpapatupad ng programa, tinitingnan ang patakaran ng TESDA ukol sa Area-Based Demand Driven (ABDD) TVET. Ang ABDD-TVET ay isang patakaran ng TESDA upang maging responsive sa mga pangunahing pangangailangan na itinatadhana ng mga industriya at employers upang magkaruon ng mga tamang kasanayan ang mga manggagawa sa isang partikular na lokalidad.
Ang Regional Lead Trainers Development Program ay isang aktibidad na naglalayong magbukas ng mga Regional Lead Trainers na tinutukoy bilang mga tao na may kakayahan ng bagong Training Regulation/Competency Standard at may responsibilidad na magplanu, mag-disenyo, at mag-facilitate ng mga kasanayan para sa Training Regulation/Competency Standard sa kanilang sariling mga rehiyon.
Sangkot sa pagsasanay na ito ay ang sampung (10) TVET trainers mula sa TESDA IV-A.
Kasama sa aktibidad ngayong araw ang mga tagapagturo na sina Mr. Mikio Kawasumi at Mr. Takeshi Hamasaki, mga Project Coordinators na sina Ms. Ayumi Fujiwara at Mr. Simon Nicolas Jr., Secretariat na kinabibilangan nina Ms. Romina Ann Ocampo, Ms. Imee Sigua, at Ms. Anngel Balleta.
Tignan ang buong kwento sa: https://www.facebook.com/tesdaR4A/posts/pfbid0CYU3RfQeGjhHtwpfimsm2YpLAh...
- End -