GanapSaTESDAR4A

Naging karangalan ang pagdalo at pagbigay mensahe ng Deputy Director General for Policies and Planning, na si DDG Rosanna A. Urdaneta sa pagpupulong ng RTESDC Region IV-A noong kahapon, sa ika-7 Palapag, TESDA Board Room, Taguig City.

Isa sa mga bahagi ng agenda ay ang courtesy visit kay TESDA Secretary Suharto T. Mangudadatu, na humantong sa isang produktibong pagpupulong kasama ang mga miyembro. Pagkatapos ng courtesy visit, kanilang ipinresenta ang resolusyon para sa TESDA IV-A Sectoral Distribution of Scholarship Allocation.

Kasama sa pagpupulong ang mga sumusunod: RTESDC Chairperson, Dr. Lemuel L. Magracia, Dr. Antonio M. Del Carmen, at G. Emerson B. Atanacio, kinatawan ng Akademiya, RD Roy L. Buenafe, DOLE IV-A Regional Director, G. Annaben B. Tan at G. Alfredo E. Maranan, kinatawan ng mga Manggagawa, ARD Francisco Barquilla III, DOST IV-A Assistant Regional Director, G. Patrick John Avisao ng DILG IV-A, G. Paul Angelo Pasciolco ng DA IV-A, G. Charles Andrew Reyes ng DOST IV-A, G. Jessna Ann Bino ng DOLE IV-A, at G. Delfin Suministrado at G. Angelito Vitangcol ng Laguna Cacao Farmers Association (LCFA).

Kasama rin sa pagpupulong si TESDA IV-A Regional Director Baron Jose L. Lagran, kasama ang mga Provincial Directors at kanilang Planning at Scholarship focals.

Ang pagpupulong na ito ay nagpapakita ng matagumpay na koordinasyon at pagtutulungan ng iba't-ibang sektor para sa pagpapabuti ng edukasyon at kasanayan sa rehiyon. Ito ay isa sa mga hakbang upang mapabuti ang kalidad ng trabaho at oportunidad para sa mga mamamayan ng Region IV-A.